my strory..
madami na akong napagdaanan, mga problema, panlalait, panghuhusga, pang aalipusta at marami nang tao ang umapak sa aking pagkatao; sa lahat ng ito.. naging matatag ako, matapang at palaban.
sinong di makakalimot sa sakit na kanilang idinulot, ako man ay nakapagpatawad.. ngunit bumabalik sa aking gunita ang sakit ng nakaraan.
noong kami ay mayaman at nakakaangat sa buhay, lahat sila'y nasaaming tabi. ngunit nang kapalaray biglang nagbago, lahat sila'y naglaho.
kaibigan mong itinuring, may dala dala palang patalim. kamag anak mo, turing sayo'y palamunin.
diba't kay sakit na ika'y inaapakan? silang magaling kapag may kailangan at kung ikaw ang nangangailangan, basta basta ka nalang tatalikuran.
naranasan naming makitira sa aming lola't lolo, sa aking pagkabata'y wala akong kamuwang muwang na kami pala'y pinagsasabihan ng masasakit na salita. ngayon ko lang nalaman ng sinabi ito ng aking ina.
"kumakain nanaman kayong mga palamuning kayo!" masakit ang katagang ito para sa ina ko. tumutulo na ang luha ng aking ina ngunit sa unang pagkakataon ay pinigil ko ang luha ko, sahalip sinabi ko sa loob-loob ko, na ang sama sama niya!
ang lola ko, may tampo ako ng kaunti pero nakalimutan ko na iyon, siya ay mabait, sa di mabilang na tulong na ibinigay niya sa amin. ang lolo ko, siya ang walang kasing sama na sinusunog na ang kaluluwa nya sa impyerno. hindi ko naman talaga siya lolo. inadopt lang nila mom ko. walang dugong nananalaytay, wala! wala! wala! at kung meron man nais ko nalang ay mamatay.
bilib ako sa ama't ina ko. sa kanilang katatagan sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay, nakaya nila kaming itaguyod pagkatapos ng lahat. sila ay tunay na dakila.
sa tuwing naaalala ko ang lahat ng nanakit sa akin at sa aking pamilya, galit aking nadarama. maaaring magpasalamat din ako sa kanila sapagkat dahil sa kanilang pang mamata'y naging matatag aking pamilya.
noong bata ako, malaki ang respeto ko sa inyo. ngayon maaaring nawala na ang lahat dahil sa ginawa ninyo. darating ang araw na makikita ninyo, na ang siyang inaalipusta ninyo ay sila pang tutulong sa inyo.
galit ako sa mapagsamantalang tulad mo, walang inisip kundi sarili mo. kapwa'y nasasaktan mo, wala ka paring pakialam sa paligid mo.
MARAMING SALAMAT O DIYOS KO,
SA MGA PAGSUBOK NA IBINIGAY MO.
SALAMAT SA TULONG NA IBINIGAY MO,
NANG DAHIL SAYO NAGING MATATAG AKO,
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment